Dapat daw igalang ang kagustuhan ng mga Amerikano.
Ito ang inihayag ni Senate President Koko Pimentel makaraang si Republican candidate Donald Trump ang mahalal na bagong Pangulo ng Amerika.
Ayon kay Pimentel, magkakaroon ng clean slate ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika sa pagpapalit ng kanilang Pangulo.
Tiyak, anya, na magiging maayos na ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika dahil mapapalitan na si US President Barrack Obama na nagsalita laban sa isyu ng extrajudicial killings at human rights violations sa ilalim ng gera kontra iligal na droga ng Duterte Administration bagay na ikinagalit ng Pangulo.
Bukod doon, napalitan na si Philip Goldberg bilang US ambassador to the Philippines.
Matatandaang kinaasaran ni Pangulong Duterte si Goldberg dahil sa negatibong sinabi nito.
Binati ni Pimentel ang Republican Party dahil sa nakuha nila ang White House at nakapag produce sila ng bagong Pangulo sa Amerika.
By: Avee Devierte / Cely Bueno