Muling tiniyak nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Secretary of State Michael Pompeo ang pagtalima ng Pilipinas at Estados Unidos sa Mutual Defense Treaty of 1951.
Sa pulong sa washington DC sa Estados Uniods, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagtutulungan sa pagtugon sa mga hamon kaugnay sa regional security tulad ng militarisasyon sa West Philippine Sea.
Tinalakay din ng dalawang kalihim ang mga bantang dulot ng terorismo at hakbang upang makamit ang denuclearization sa North Korea.
Tiniyak din ni Pompeo ang kahandaan ng Amerika sa pagsuporta sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Samantala, nakiramay din ang US cabinet official sa mga biktima ng bagyong Ompong kasabay ng alok na tulong ng Estados Unidos.
—-