Posibleng desisyunan ng Pilipinas at Estados Unidos ang kapalaran ng ilang dekada nang joint military exercises ng dalawang bansa.
Nakatakdang magpulong sa November 24 ang mga kinatawan ng Department of National Defense (DND) at militar mula sa Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa DND, ang pulong ay regular na ginagawa bago magtapos ang taon upang ilatag ang mga aktibidad para sa joint exercises sa susunod na taon.
Una rito, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga negosyante sa Japan na plano niyang mawala na ang lahat ng foreign troops sa Pilipinas sa susunod na dalawang taon.
By Len Aguirre