Napanatili ng Philippine Azkals ang top spot sa Group F ng AFC Asian Cup Qualifiers makaraang itabla sa score na 1-1 ang game kontra Yemen sa kanilang paghaharap sa 3rd round sa Al Wakr Stadium sa Doha, Qatar.
Bagaman pahirapan para sa Azkals na tibagin ang Yemen sa halos buong game, nakasikwat naman ng goal si Mike Ott upang isalba ang Pilipinas at itabla sa 1-1 ang score sa oras na 89 minutes.
Sa ikalawang sunod na draw laban sa Yemenis, nadagdagan ng 8 points ang Philippine team upang umakyat sa kartadang 2 wins, 2 draws at walang talo.
Sunod na makakasagupa ng Azkals ang Nepalese team sa Halchowk Stadium, Kathmandu, Nepal, sa Nobyembre 14.
Sakaling maselyuhan ng Pilipinas ang panalo sa Group F ng qualifiers, awtomatikong pasok na ang team sa 2019 AFC Asian Cup na gaganapin sa Enero 5 hanggang Pebrero 1 taong 2019.
—-