Asahan na ang pagbaha ng imported na bigas hanggang sa pagtatapos ng taon bilang solusyon sa pagnipis ng supply nito sa merkado na nagresulta naman sa pagtaas ng presyo.
Ito, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, ay dahil sa inaasahang delivery ng 750,000 metric tons ng imported rice at karagdagang 1 million metric tons sa unang bahagi ng susunod na taon.
Aprubado na aniya ng interagency National Food Authority (NFA) council ang importasyon ng 500,000 metric tons ng bigas bukod pa sa naunang 250,000 metric tons o kabuuang 750,000 metric tons.
Si Piñol na ang kasalukuyang chairman ng NFA council makaraang ilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng pangangasiwa ng DA ang NFA.