Magiging matatag ang banking sector sa Pilipinas sa susunod na taon.
Ito ang lumabas sa report ng Fitch Ratings na may pamagat na “2017 Outlook: Asia-Pacific Banks.”
Ayon sa Fitch, asahan na ang matatag na domestic demand na palalakasin pa lalo ng pagbuhos ng remittance at kita sa business process outsourcing at iba pang pagkukunan sa larangan ng investment at ekonomiya.
Paliwanag pa ng debt watcher, dahil minamadalli ng pamahalaan ang infrastructure ay maaaring makadagdag ito sa paglago ng ekonomiya ng hanggang 6.6 percent sa 2017.
Una nang ipinagmalaki ni Budget Secretary Benjamin Diokno na maglalaan ang gobyerno ng 8.2 trillion pesos na pondo para sa “golden age of infrastructure” sa susunod na anim na taon.
By Jelbert Perdez