Sasali na muli ang Pilipinas sa 2018 Asian Games.
Ito ang inihayag ni Philippine Olympic Committee President Ricky Vargas bago ang pagsisimula ng Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
Ayon kay Vargas nag-desisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na bawiin ang kanilamg unang naging desisyon na umatras sa naturang torneo matapos ang gulong kinasangkutan ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng Australia.
Sinabi ni Vargas na ipahihiram ng San Miguel Beermen ang kanilang manlalaro na sina Christian Standhardinger at Paul Lee.
Si NLEX Coach Yeng Guiao naman ang siya pa ring hahawak ng pambato ng Pilipinas.
Ipinabatid din ni Vargas na umapela rin si Special Assistant to the President Bong Go sa kanila at sa SBP para muling hikayatin na magpadala ng pambato sa 2018 Asian Games.
—-