Nagsimula na ang pagsasanay ng Philippine boxing team para sa 2018 Asian Games sa Indonesia na nakatakdang ganapin sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.
Ayon kay Philippine Boxing Team Coach Roel Velasco, kasalukuyan silang nasa Baguio City kasama ang mahigit 20 boksingero ng team para magsanay.
Sinabi ni Velasco na unang sasalang sa high altitude training ang mga boksingero ng Philippine team sa gym ng Philippine Sports Commission sa teacher’s camp.
Kasunod nito ay magtutungo na sila sa Indonesia para ipagpatuloy ang kanilang practice gayundin ang mabigyan ng sapat na panahon ang mga boksingero.
—-