Bukas ang Pilipinas na amyendahan ang probisyon ng Saligang Batas na may kinalaman sa partisipasyon ng mga dayuhang institusyon sa ekonomiya ng bansa.
Kasunod ito ng pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan kung saan inihirit ng maraming negosyanteng Hapones na maalis ang nasabing investment restriction.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, napapanahon na upang makita ng ibang bansa na isang magandang investment destination ang Pilipinas.
Sa pamamagitan aniya ng constitutional convention ay maaring buksan ang mga dating restricted sa ekonomiya ng bansa sa ilalim ng konstitusyon.
Sa kabila nito, siniguro ni Dominguez na tanging ang economic provision at hindi ang land ownership ang siyang bubuksan sa mga dayuhan.
By Rianne Briones
Photo Credit: Aileen Taliping (Patrol 23)