Pinasalamatan ng Philippine chess team ang mga sumuporta sa kanilang matagumpay na kampanya sa 42nd World Chess Olympiad.
Ayon sa kauna-unahang Pinay chess grandmaster na si Janelle Mae Frayna, pangunahing pinasalamatan nito ang mga bumubuo sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at National Chess Federation.
Dahil sa paglahok ng Women’s Chess Team ng Pilipinas ay tumaas ang ranking nito na nasa ika-34 nang puwesto mula sa ika -64 na puwesto noong 2014 Olympiad.
Samantala, hindi naman makapaniwala ang 64 anyos na si Grandmaster Eugene Torre na nanalo pa siya sa kabila ng kanyang edad.
Una rito ipinahiwatig ni Torre na ito na ang kanyang huling paglahok sa Olimpiada.
By Ralph Obina