Isinusulong ni Sen. Panfilo Lacson na repasuhin na ang Philippine-China diplomatic ties.
Ani Lacson, anong klaseng kaibigan o benefactor ang China kung inaangkin nito ang teritoryo na para sa Pilipinas.
Maliban dito, patuloy pa aniyang nambu-bully ang China at binabalewala ang ating mga inihahaing diplomatic protest.
Giit ng senador, dapat ay suportahan ng senado si Foreign Affairs Secretary Teodor Locsin Jr., na naghain ng sunod-sunod na diplomatic protest at pinapalayas ang China sa lalong madaling panahon sa teritoryo ng Pilipinas.
Dahil dito, napapanahon na aniya talaga ang pagreview sa diplomatic ties ng Pilipinas at China dahil sa ginagawang panghihimasok ng mga ito sa ating teritoryo. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)