Maghaharap na ang China at ang Pilipinas upang pag-usapan ang isyu ng South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magaganap ang pulong sa Mayo ng taong ito.
Pag-uusapan sa pulong ang bilateral mechanism sa South China Sea na inaasahang magiging daan upang lalong tumibay ang tiwala ng dalawang bansa sa isa’t isa.
Una na ring inihayag ng China na determinado silang makipagtulungan sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagbuo ng code of conduct framework para sa mga pinag-aagawang mga lugar sa South China Sea.
By Len Aguirre