Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas, China at Russia.
Iginiit ni Pangulong Duterte na binigyan na niya ng sapat na panahon ang mga tropang Amerikano na magsagawa ng war games kasama ang mga sundalong Filipino subalit ito na ang huling joint exercises ng Pilipinas at US.
Ayon sa Pangulo, pursigido siyang bumili ng ilang military equipment sa China at Russia na gagamitin upang labanan ang mga terorista.
Kung hindi naman aniya tutulong ang Tsina sa layunin ng Duterte administration ay mahihirapan ang Pilipinas na tuluyang mapuksa ang terorismo.
By Drew Nacino