Pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard o PCG ang mga mangingisda at operators ng mga maliliit na bangka na huwag munang mangisda at dumaan sa bahagi Manila Bay.
Kasunod ito ng ipinatutupad na no sail zone sa Manila Bay bilang paghahanda sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, may mga nakabantay nang mga miyembro ng Coast Guard at Philippine Navy sa Manila Bay partikular sa Pier 15 at harapan ng Baywalk sa Roxas Boulevard.
Tiyak aniya na pipigilan at bubusisiin ng mga nagpapatrolyang PCG at Navy ang mga makikitang daraang bangka sa nasabing bahagi.
Samantala, bilang paghahanda parin sa ASEAN Summit ay pinipinuturahan na rin ang mga bangketa sa bahagi Roxas boulevard at naglagay na rin ng mga Christmas decorations, banner at maliliit na bandila na sasalubong sa mga darating na delegado.
—-