Nagpapatuloy ang normal na operasyon ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon kay Commander Armand Balilo, Spokesman ng Philippine Coast Guard, nananatili sa kanilang mga dating posisyon ang mga barko ng Coast Guard sa Central at Northern Luzon area.
Sinabi ni Balilo na nakaantabay lamang sila sa magiging direktiba sa kanila ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng paborableng ruling na nakuha ng bansa sa Permanent court of Arbitration.
Kasabay nito ay nanawagan sa mga mangingisda ang Philippine Coast Guard na iwasan muna ang magkaroon ng komprontasyon sa Chinese Coast Guard.
Matatandaan na itinaboy ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang pumalaot sa bahagi ng Scarborough Shoal, dalawang araw matapos lumabas ang ruling ng PCA.
By Len Aguirre | Aya Yupangco (Patrol 5)