Dapat manatiling neutral ang Pilipinas sa gitna nang tumitinding tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Reaksyon ito ni Professor Clarita Carlos, isang political at military analyst, sa naging pahayag umano ng Malakaniyang na kakampi ang bansa sa Estados Unidos kapag may nadamay na Pilipino sa pagganti ng Iran sa Amerika.
Sinabi sa DWIZ ni Carlos na ang dapat asikasuhin ng gobyerno ay matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa Iraq at iba pang bahagi ng Middle East.
Napaka-concerning naman ng ganyang declaration, bakit tayo makikisawsaw d’yan? Remind that we have a mutual defense treaty with the US. Pero bakit tayo papanig? Just stay neutral, and we keep our workers safe. I think that’s a reckless statement,” ani Prof. Carlos. —sa panayam ng Ratsada Balita