Pinayuhan ni Senate President Koko Pimentel si Pangulong Rodrigo Duterte na tumayong tagapamagitan nila US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.
Ito ang nakikitang paraan ng Senate President upang makatulong ang Pilipinas sa pagpapahupa ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Giit ni Pimentel, maganda ang magiging posisyon ng Pilipinas bilang kapitbahay na bansa sa asya ng NoKor at malapit na kaalyado naman ng Amerika.
Maliban dito, sinabi pa ni Pimentel na ang pamamagitan sa dalawang bansa ang magandang magagawa ng Pilipinas bilang wala naman tayong malakas na defense system para maki-alam pa sa gusot ng dalawang makapangyarihang bansa.