Nakatakdang ilahad ngayong araw ng Philippine delegation sa universal periodic review ng United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland ang kanilang depensa hinggil sa drug war ng administrasyong Duterte.
Pinangunahan ni Senador Alan peter Cayetano at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang nasabing delegasyon na binubuo ng labing anim (16) na miyembro.
Maliban sa sampung (10) buwan sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilalahad din ng grupo ni Cayetano sa nasabing review ang drug war sa ilalim ng administrasyong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa loob ng limang (5) taon nito sa puwesto.
Binigyang diin pa ni Cayetano na kung maraming naaresto, mas marami aniyang nasugatan at mas marami ang napatay dahil sa dami ng mga nahuhuli.