Humarap ang Philippine delegation sa kinatawan ng European Union o EU sa Brussels, Belgium noong nakaraang linggo para magpaliwanag sa isyu ng EJKs o extrajudicial killings sa bansa.
Ito ay matapos ang pagsalang ng delegasyon sa United Nations Human Rights Council kung saan iniulat ang estado ng Human Rights sa Pilipinas.
Sinabi ni Assistant Secretary Epimaco Densing na sa pagharap sa EU ay muling iginiit ng bansa na hindi state sponsored ang EJK.
Nilinaw ng grupo na ang utos ng Pangulo ay dumipensa ang mga pulis sakaling manlaban ang mga drug suspect.
Nagpahayag umano ng pagkaalarma ang EU kasunod ng mga naririnig na negatibong balita partikular ang inihayag ni Vice President Leni Robredo sa UN.
Nitong Marso ay nagbabala na ang EU na papatawan ng trade sanction ang Pilipinas dahil sa pagtaas ng bilang ng mga namamatay kasabay ng anti-illegal drug campaign ng gobyerno.
By Rianne Briones
PH delegation humarap sa EU para magpaliwanag sa isyu ng EJK was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882