Tinalakay kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior at mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Philippine Development Plan 2023-2028 formulation.
Pinangunahan ni punong ehekutibo ang pagpupulong kasama sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan at iba pang opisyal ng ahensiya, maging sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr., at ang iba pang palace officials.
Kabilang din sa napag-usapan ang assessment at challenges, targets, strategies maging ang priority legislative agenda ng pamahalaan.
Ang Philippine Development Plan ang magsisilbing balangkas ng mga ahensya ng gobyerno sa mga programang gagawin ng mga ito sa ilalim ng administrasyong Marcos.