Inaasahang mangunguna ang ekonomiya ng Pilipinas sa Timog Silangang Asya sa susunod na dalawang taon.
Ayon sa International Monetary Fund (IMF), bunsod ito ng mataas na public spending at pagkonsumo.
Ibinalita ng IMF na posibleng pumalo sa 6.8 percent ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ngayong taon habang 6.9 percent naman sa susunod na taon.
Dahil dito, mauungusan ng Pilipinas ang mga ekonomiya ng Vietnam, Indonesia, Thailand at Malaysia.
By Ralph Obina
PH economy inaasahang mangunguna sa Southeast Asia was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882