Lumago sa 6.8 percent ang gross domestic product o GDP ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2018.
Mas mataas ito sa naitalang 6.5 percent GDP sa parehong panahon noong 2017.
Pinakamalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ang industry sector na nagtala ng halos walong porsyentong paglago, ang sektor ng serbisyo na nagtala ng 7% at sektor ng agrikultura, 1.5 percent.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, kung hindi dahil sa mataas na inflation rate, posibleng naabot sana ang target nilang pito hanggang walong porsyentong paglago ng ekonomiya ngayong unang bahagi ng 2018.
Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Pernia na nananatiling isa ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamabilis na lumago sa rehiyon.
Kasunod aniya ang Pilipinas ng Vietnam na may 7.4 percent, kapantay lamang ng China at mas mataas sa Indonesia na may 5.1 percent.
—-