Hinimok ng isang mambabatas ang publiko na huwag mabahala sa naiulat na 90% paglagpak ng halaga ng mga bagong mamumuhunan sa bansa sa unang kalahati ng taong 2017 kumpara noong isang taon.
Paliwanag ni Iligan City Lone District Representative Frederick Siao, ang new foreign direct investment ay isa lamang sa napakaraming economic indicators.
“Ang mas angkop na batayan ng tiwala ng mga investor sa bansa ay ang galaw ng mga dati nang investor na matagal na sa Pilipinas at patuloy na namumuhunan at hindi umaalis,” ani Siao.
Paliwanag pa ni Siao, natural lang na nais munang ma-evaluate ng mga bagong investor ang isang buong taon ng Duterte administration bago sila mamuhunan. Tinitingnan ng mga investor kung paano ginagastos ang 2017 national budget at ang impact nito sa sa bansa.
Mali umanong sisihin ang mga investor sa pagsasagawa ng “due diligence” bago mamuhunan.
Para kay Siao, na may negosyo at kasapi ng House Committee on Economic Affairs, heto ang ilang mga economic indicators na magpapakitang nasa mabuting kamay ng mga economic managers ni Pangulong Duterte ang bansa:
- Gross international reserves (US$81.35 billion as of Sept. 30, 2017);
- Higher investment in debt instruments (US$3 billion Jan-June 2017);
- Higher reinvestment of earnings (US$416 million Jan-June 2017);
- Total net inflows of foreign direct investments ($3.6 billion (Jan-June 2017) though this is 14% less than the same period last year, it is still high);
- PSE Index closed above 8,300 points for the first time in its history; and
- Remittances from Overseas Filipinos ($17.9 billion from January to July 2017, up by 5.9 percent.
Ang mga datos ay mula sa pinakahuling tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Stock Exchange.