Makikipagtulungan ang Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos para sa tuloy-tuloy na bilateral cooperation nito sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic makaraang mag-usap ang dalawang lider ng bansa.
Ito ang naging pahayag ni Philippine Ambassador to United States Jose Manuel Romualdez.
STATEMENT ON THE PHONE CALL BETWEEN PRESIDENT RODRIGO DUTERTE AND PRESIDENT DONALD TRUMP pic.twitter.com/ZbGJnVLc5o
— Philippine Embassy in the USA (@philippinesusa) April 20, 2020
Magugunitang kinumpirma ng Malakanyang at White House ang naganap na phone call nitong ika-19 ng Abril sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte and ni US President Donald Trump kung saan pinagtibay ng dalawang lider ang bilateral cooperation nito ngayo’y may banta ng COVID-19.
Kasunod nito, sa isang virtual meeting nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. at ni Romualdez, ikinatuwa ng mga ito ang kasunduan ng dalawang head of state na pagtibayin pa ang matagal ng ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.