Nakatutok ang Philippine Embassy sa Australia sa imbestigasyon sa pagkamatay ng 63 anyos na Filipino crew member sa Vanuatu.
Ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakikipagtulungan na ang local manning agency ng namatay na Pinoy seaman sa principal company nito at maging sa local company sa Vanuatu na nangunguna sa imbestigasyon ng kaso.
Tiniyak naman ng embahada ng bansa sa Australia na magbigay ng nararapat na tulong para mapauwi na ang labi ng Pinoy seaman ma crew member ng British-flagged tanker na Inge Kolsan.
Una nang napaulat na namataan ang katawan ng Pinoy sa Pango Beach sa Port Vila Harbour noong ika-11 ng Abril.