Pansamantalang ipinasara ang Philippine Embassy sa Brussels, Belgium matapos tamaan ng COVID-19 ang ilan sa kanilang empleyado.
Ayon sa Embahada, simula noong disyembre a –30 hanggang sa Enero a-7ay sarado ang kanilang gusali.
Ito’y bilang pagtalima sa health protocols at kaligtasan ng publiko sa harap ng paglobo ng COVID-19 Omicron variant sa Europa.
Hindi naman idinetalye ng embahada kung ilang empleyado ang nagpositibo sa COVID.
Magbabalik ang kanilang operasyon sa lunes, Enero a-10. —sa panulat ni Drew Nacino