Isinara muna pansamantala sa loob ng dalawang linggo ang Philippine Embassy sa Kuwait.
Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang empleyado ng embahada.
Ayon sa embahada dapat munang tumawag sa kanila ang mga mayroong appointment mula July 2 hanggang 16 para sa kaukulang re-scheduling.
Maaari pa rin namang makipag-ugnayan sa embahada sa pamamagitan ng facebook page, twitter account at hotline numbers.