Nagbabala ang Philippine Embassy sa mga OFWs o Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia laban sa isang website na nagpapanggap na konektado sa embahada.
Ayon sa Philippine Embassy, hindi binibigyan ng authority ng gobyerno ang website na ofwtoday.com na gumawa ng search system para sa mga ire-release na pasaporte.
Giit ng embahada, naglalathala ang nasabing website ng mali o “misleading information” gaya ng contact number ng embassy na pag-aari naman umano ng isang pribadong indibiduwal.
Babala pa ng Philippine Embassy, dapat mag-ingat sa pakikipag-transaksiyon at tingnan lamang ang mga “passports for release” sa otorisadong website na www.riyadhpe.dfa.gov.ph.
By Jelbert Perdez