Nakatutok ang Philippine Embassy sa Tehran sa kalagayan ng Filipino crew ng tug boat na kinumpiska sa Persian Gulf dahil sa di umano’y oil smuggling.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakahanda silang magbigay ng ayudang legal sa mga Pilipinong crew kung kinakailangan.
Napag-alaman kay Ambassador to Iran Wilfredo Santos na posibleng idiretso na sa lokal na korte ang kaso kapag natapos ang imbestigasyon.