Wala pang natatanggap na ulat ang embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos kung may mga Pilipinong naaresto matapos sumama sa paglusob sa US capitol noong nakaraang linggo.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ngayong linggo pa lamang nila matatanggap ang kumpletong ulat hinggil sa insidente at malalaman kung may dinakip na Filipino.
Aniya, nasa dalawa o tatlong Filipino lamang ang nakibahagi sa protesta kung saan kabilang ang isang nakuhanan ng litrato na may hawak na walis tambo.
Samantala, tiwala naman si Romualdez na walang kasamang Filipino sa grupo ng mga demonstrador na pumasok sa mismong opisina ng mga mambabatas ng Estados Unidos.