Wala pang natatanggap ang Philippine Embassy sa South Korea na request para sa repatriation ng mga Pilipino doon, sa gitna na rin ng paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito kay Consul General Christian De Jeusus na nagsabing Pebrero pa lamang ay nagtanong na sila sa mga Pilipino sa South Korea na nais umuwi ng Pilipinas.
Inihayag ni De Jesus na ang pagkakaintindi nila ay may mga trabaho pa ang mga Pinoy sa SoKor at nakakatanggap din ng tulong ang mga ito sa gobyerno doon.
Mayroong mahigit 5,000 Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho sa SoKor na ang tugon sa COVID-19 pandemic ay pinupuri at ina-adopt na ng maraming bansa.