Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang pagbalik sa bansa ni dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro kagabi.
Sinabi ni Locsin na sumailalim na sa lahat ng health protocols si Mauro.
Kasabay nito, binigyang diin ni Locsin na hindi makakaapekto sa imbestigasyon sa pang-aabuso ni Mauro sa kaniyang kasambahay ang pahayag nang suporta rito ng nagpakilalang grupo ng retired ambassadors.
Ayon sa DFA, hindi nito alam ang pagkakaroon ng DFA Career Officers Corps at Retired Ambassadors Association at ang pahayag nito ay hindi sumasailalim sa posisyon ng DFA sa kaso ni Mauro.