Tiyak na darami pa ang mga oportunidad para sa mga pinoy exporter ngayong taon dahil sa mas malakas na suporta ng pamahalaan at pribadong sektor.
Ito’y makaraang tumaas 5% ang export of goods and services sa Pilipinas sa ikatlong bahagi ng nakalipas na taong 2019 batay sa balance of payment manual data ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Batay sa ulat, kasabay nitong tumaas ng 8% ang service export ng Pilipinas na nagkakahalaga ng mahigit P11B.
Nabatid na malaking nakapag-ambag dito ay ang pagpapadala ng electronic products, saging, forestry at mineral products.