Hindi naiwagayway ang watawat ng Pilipinas sa 6th Infrantry Battallion headquarters sa Malabang, Lanao Del Sur kahapon, Araw ng Kalayaan.
Ito ay matapos na dumating ng mag-aalas-6 ng hapon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa halip na alas-2 ng hapon tulad ng abiso ng Malakanyang.
Bumuhos pa ang ulan sa lugar kaya hindi na rin natuloy pa ang programa.
Bago nagtungo sa headquarters ang pangulo ay nag-alay muna ito ng bulaklak sa monumento ni dating chief justice Jose Abad Santos.
Sinabi ng pangulo na kaya niya piniling sa naturang lugar ipagdiwang ang Independence Day ay dahil dito binaril si Santos dahil sa pagpalag niya sa pananakop ng mga Hapon.
Hamon pa ng pangulo sa lahat ng Pilipino, tulad ni Santos ay dapat na ipagpatuloy ang paglaban sa anumang banta sa kalayaan ng bansa.