Gumawa ng kasaysayan Filipino gymnast na si Carlos Yulo matapos nitong masungkit ang kauna-unahang Philippine gold medal sa FIG Artistic Gymnastics World Championships.
Pinamunuan ni Yulo ang floor exercise event ng kompetisyon na ginanap sa Hans Martin Schleyer Halle sa Stuttgart, Germany.
Base sa talaan, umiskor si Yulo ng 15.300 para sa men’s floor exercise final, 8.800 naman sa execution at 6.500 sa difficulty.
Ito ang dahilan kung bakit dinaig nito ang mga katunggaling sina Artem Dolgopyat ng Israel at Xiao Ruoteng ng bansang China.
Ang tagumpay na ito ni Yulo ang rason kung bakit dumami ang mga naniniwalang siya ang magwawagi sa nalalapit na Southeast Asian Games.
Matatandaan na ang 19 anyos na si Yulo ang ikalawang Filipino athlete na nakakuha ng puwesto sa Tokyo Olympics para sa taong 2020.