Dalawa pang medalya ang nadagdag sa koleksyon ng Philippine gymnast team sa Southeast Asian (SEA) Games.
Silver medal ang nakuha ni Kaitlin de Guzman sa floor exercise at isa pang bronze sa balance beam event.
Dahil dito, nangunguna na si Kaitlin na ang may pinakamaraming medalyang nakuha sa buong Philippine team na kalahok sa SEA games.