Iginiit ni Congressman Harry Roque na wala pang sapat na ebidensya ang Pilipinas upang makapagsampa ng reklamo laban sa China dahil sa umano’y pagbaybay nito sa Benham Rise.
Ayon kay Roque, hindi pa natukoy ang ginagawa ng mga barko ng Chinese sa Benham Rise at hindi pa napatutunayang pinagsasamantalahan nila ang likas na yaman doon o naghahanap ng langis.
Sinabi ng kongresista na kailangan munang matiyak na nilabag ng mga nasabing Tsinong barko ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise bago mag-isip na magsampa ng kaso.
Paliwanag ni Roque, hindi teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise kundi extended continental shelf.
Gayunpaman, mayroong sovereign rights ang Pilipinas at may karapatan na gamitin ang likas na yaman sa Benham Rise.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc