Humakot ng mahigit isandaang (100) medalya ang Pilipinas sa ginanap na Skate Asia 2018 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa ulat, labing pitong (17) Filipino figure skaters ang sumabak sa may isandaang (100) events na ginanap noong August 5 hanggang 12.
Sa kabuuan, nakasungkit ang mga kinatawan ng Pilipinas ng limampung gintong medalya, apatnapu’t tatlong (43) pilak at sampung (10) tansong medalya.
Kabilang sa mga nakalaban ng Pilipinas ang mga figure skaters mula sa China, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Vietnam at iba pa.
Kabilang sa mga umangat sa naturang kompetisyon ang 13 year old na si Justine Gabrielle Lim na dinomina ang pitong events habang nanguna rin ang 16 years old na si Karylle Cate Kho sa limang figure skating events.
—-