Humablot ng tig-dalawang silver at bronze medals ang Pilipinas sa world Wushu Championship sa Kazan, Russia.
Natalo ng Vietnamese na si Minh Duc Vu ang Pinoy na si Arnel Mandal sa men’s 52-kilogram division.
Nakuntento naman din sa silver medal si Hergie Bacyadan matapos itong igupo ng Iranian na si Maryan Hashemiforoud sa women’s 70-kilogram division.
Kapwa naman nakakuha ng bronze medal sina Divine Wally ng women’s 48 kilogram at Francisco Solis.