Balak ni Senator Leila de Lima na dalhin ang isyu ng human rights sa Pilipinas sa annual conference on cultural diplomacy sa Berlin, Germany.
Sinasabing bubuksan ni De Lima sa mga delegado ng conference, kung saan nakatakda siyang magsalita, ang human rights issues at ang mga nangyayari sa bansa.
Isisiwalat ng senadora kung papaano tinutugunan ng pamahalaang Duterte ang mga paglabag sa karapatang pantao sa gitna ng umano’y nangyayaring extrajudicial killings dahil sa kampanya laban sa iligal na droga.
Maliban kay De Lima, kasama rin sa mga magsasalita sa conference sina President Bujar Nishani ng Republic of Albania, dating US Attorney General Alberto Gonzales, at Judge Dragolijub Popovic ng European Court of Human Rights.
By Jelbert Perdez