Nakuha ng Pilipinas ang ikatlong puwesto sa listahan ng world’s worst polluter of ocean.
Ayon sa grupong Greenpeace, ito ay dahil sa pagdagsa ng mga produktong nakalagay sa single – use plastic ng mga malalaking kumpanya.
Sa isinagawang clean – up drive ng grupo sa Manila Bay, nakakuha sila ng higit 54,000 plastik kung saan 9,000 dito ay pawang mga Nestle products.
Marami rin sa mga nakuha ay mga sachet dahil mas tinatangkilik ito ng publiko.
Nanguna naman sa listahan ng bansang pinaka-nagdudumi sa karagatan ay ang China at Indonesia.
—-