Maglulunsad ng joint naval patrols ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia sa Sulu Sea simula sa Martes, Hunyo 20 upang mapigilan ang cross-border kidnapping-for-ransom activities.
Ito’y sa gitna ng laban ng tatlong bansa sa grupong Islamic State na mahigit tatlong linggo ng naghahasik ng karahasan sa Mindanao.
Sisimulan ang joint patrol isang araw matapos lagdaan ng mga defense minister at military commander ng tatlong bansa ang memorandum of understanding sa Tarakan, Borneo, Indonesia.
Gayunman, hindi pa malinaw kung papayagan sa ilalim ng memorandum ang panukalang cross-border hot pursuit ng mga hinihinalang kriminal.