Nananatiling isa ang Pilipinas sa bansa sa Asya na mabilis ang paglago ng ekonomiya.
Reaksyon ito ni Cong. Joey Salceda makaraang mabigo ang pamahalaan na maabot ang target nitong 6% hanggang 6.5% growth rate para sa kabuuan ng 2019.
Ayon kay Salceda, malaking bagay pa rin ang 6.4% Gross Domestic Product (GDP) na nakuha ng Pilipinas noong Disyembre.
Kumbinsido ang kongresista na magiging mabilis ang pagbawi ng Pilipinas sa mga susunod na buwan lalo pang maagang naipasa ang 2020 national budget.
Matatandaan na isinisisi sa paggamit ng re-enacted budget noong unang bahagi ng 2019 ang pagbagal noon ng ekonomiya.