Sa ginanap na Asia-Pacific Center for Security Studies forum sa Honolulu, Hawaii, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isinusulong ng Pilipinas ang pagkakaroon ng sariling Code of Conduct (COC) sa ibang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Dahil umano ito sa mabagal na pag-usad ng COC sa pagitan ng China at ASEAN kaugnay sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, lumalala na ang tensyon sa South China Sea dahil sa hindi makatarungang pagbabanta ng China sa sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito.
Ito aniya ang nagtulak sa kanya na gumawa ng sariling inisyatiba upang maresolba ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo.
Nasa kalagitnaan na ang negosasyon sa Vietnam at Malaysia para sa hiwalay na COC.
Samantala, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy namang palalakasin ng Pilipinas ang partnership nito sa Amerika at iba pang mga kaalyadong bansa.