Itinakda na ng Pilipinas at Japan sa June 23 hanggang 24 ang joint maritime drill sa West Philippine Sea.
Kinumpirma rin ng Japanese Defense Ministry na magpapadal ang kanilang maritime self-defense force na ng isang P-3C surveillance aircraft habang magde-deploy ang Philippine Navy ng isang vessel at eroplano.
Ito ang unang formal joint drill sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang pulong nina Pangulong Noynoy Aquino at Japanese Prime Minister Shinzo Abe, noong isang linggo.
Samantala, hindi pa idinedetalye ng dalawang panig kung saang partikular na lugar isasagawa ang military exercises.
By Drew Nacino