Muling nagpalipad ng mga eroplano ang Pilipinas at Japan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y sa gitna ng ginawang pambabatikos ng China sa ginagawang naval exercises ng Pilipinas at Japan.
Kahapon ay nagsagawa ng search and rescue drill ang Japanese surveillance plane na P-3C Orion at Philippine Navy Islander sa bahagi ng Palawan.
Nababahala naman ang ilang defense and security analysts sa pagiging agresibo ng China at patuloy na reclamation activities sa West Philippine Sea.
Ayon sa mga eksperto, isa mga dahilan ng land reclamation ng China ay upang itago ang pagpapalakas nito ng puwersa sa rehiyon.
Sinasabing mainam na lugar ang West Philippine Sea para sa mga submarine ng China dahil mahihirapan itong ma-detect.
By Meann Tanbio