Napabilang ang Pilipinas sa sampung nangungunang bansa sa buong mundo na bantad sa pang-aabuso sa mga kababaihan sa pamamagitan ng human trafficking.
Batay ito sa isinagawang survey ng Thomson Reuters Foundation sa halos limang daan at limampung (550) mga eksperto sa mga usapin hinggil sa mga kababaihan tulad ng sapilitang pagpapakasal, pagtatrabaho at prostitusyon.
Sa resulta ng survey, nanguna sa listahan ang bansang India kung saan itinuturing pa rin umano bilang sexual object at second class citizen ang mga kababaihan.
Sinusundan naman ito ng Libya kung saan napaulat na talamak ang pagbebenta ng mga migrants sa slave market, pumapangatlo ang Myanmar habang kapwa pang-apat ang Nigeria at Russia at sumunod ang Pilipinas.
—-