Dapat maging handa ang Pilipinas sa panibagong global financial crisis na tulad ng nangyari noong 2008.
Pahayag ito ni Albay Congressman Joey Salceda sa harap ng bangayan at balasahan na umiiral ngayon sa House of Representatives.
Pagkakaisa anya ang kailangan ngayon ng Pilipinas upang hindi tayo gaanong masaktan sa sandaling maramdaman ang financial crisis dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Nakakaistorbo po sa trabaho ng Kongreso, so, doon po sa baba (Mababang Kapulungan ng Kongreso), halos ang mga inaaprubahan lang po namin ‘yung mga third reading ng local bills. Kailangan po natin ng sense of stability, lalong-lalo na may hinaharap po tayong mga problema tulad ng mangangalahati po ang paglago ng buong mundo ngayong mundo dahil po sa COVID-19, at sa mga ginagawa ng mga gobyerno na masyadong O.A., so, mas importante po na mas solid tayo ditto para maharap natin ‘yung mga ganoong klase,” ani Salceda. —sa panayam ng Ratsada Balita