Nakakatanggap na ‘di umano’y ng banta sa kanyang buhay si Atty. Mark Tolentino, dating opisyal ng Deparment of Transportation (DOTr) na ngayon ay isinasangkot sa ‘di umano’y nawawalang mahigit sa 2-B euros ng wirecard ag, isang German company.
Ayon kay Tolentino, nakakatanggap sya ng mga emails ng pagbabanta at paghahanap ng kanilang pera.
Binigyang diin ni Tolentino na wala syang ideya kung anong pera ang pinag uusapan at bakit sya ang napiling isangkot sa iskandalong ito.
Nuong pebrero anya, tatlong lalake na mukang mga dayuhan ang lumapit sa kanyang law firm para magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Pinayuhan nya ang mga ito na magbukas ng bank account sa BDO at BPI at nuong kalagitnaan nga ng pebrero ay ipinag bukas nya sila ng anim na euro accounts sa ilalim ng kanyang M.K. Tolentino Law Office.
Gayunman, ang pera anyang ipinambukas nya ng bank accounts ay hindi pa kasyang pambili ng i-phone.
Kalaunan anya ay pinapirma sya ng authorization letter para ma imbestigahan ng auditor ng kanyang mga kliyente ang kanyang personal bank account.
Sinabi ni tolentino na duon na nagtapos ang kanyang partisipasyon sa transaksyon dahil nagpatupad na ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Wala na rin anya syang narinig mula sa kanyang mga ka transaksyon hanggang sa lumutang nga ang di umanoy nawawalang 2-B euros at sinasabing sya ang nagdeposito sa bangko.
Una nang sinabi ng bangko sentral ng Pilipinas na walang pumasok na 2-B euros sa financial system ng bansa.