Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na magpapadala ng kinatawan ang Pilipinas sa regional meeting na inorganisa ng bansang Thailand para pag-usapan ang problema ukol sa Rohingya Muslims o boat people mula sa Myanmar at Bangladesh.
Ayon kay de Lima, pangungunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang delegasyon ng Pilipinas sa naturang meeting na gaganapin sa Bangkok sa Mayo 29.
Sinabi ni de Lima na tinatayang nasa 10 bansa na ang nag-commit sa naturang pulong kabilang ang Eastados Unidos, Australia at iba pang bansa mula sa timog silangang Asya.
Una rito, ipinaalala ni de Lima na signatory ang Pilipinas ng 1951 Convention Relating to the Status of Refugees at ng 1954 Convention Relating to the Status of Stateless Persons.
By Ralph Obina